곡 정보

Huling Gabi
Quest
Huling Gabi
앱에서 듣기
Kung eto na
Ang ating huling gabi
Mga natitirang sandali
Di na ikukubli
Lahat lahat sayo ibibigay
Huling beses magsasabay
Sa himig na pagibig ang taglay
Bago mawalan ng saysay
Hawakan ang aking kamay
Higpitan ang kapit
Pwede ka pang lumapit
Kalimutan natin
Bukas na sasapit
Dito na lang ako
Dito na lang tayo
Walang manggugulo
Na parang atin ang mundo

Sa sandaling tila habangbuhay
Bawat saglit magiging patunay
Ito ay tinakda langit ang may akda
Ayokong kumawala sayo
Huling sayaw na natin to
Huling halik sayong noo
Huling pagdidikit ng puso
Kung eto na nga
Ang ating huling gabi

Bawat segundoy nagmamadali
Mauulit pa bang muli
Kaya lahat lahat ibibigay
Baka sakaling matangay
Ng haplos mong tila tumatamlay
Meron pa bang saysay
Kung hahawakan ang aking kamay
Higpitan ang kapit
Pwede ka pang lumapit
Kalimutan natin
Bukas na sasapit
Dito na lang ako
Dito na lang tayo
Walang manggugulo
Na parang atin ang mundo

Sa sandaling tila habangbuhay
Bawat saglit magiging patunay
Ito ay tinakda langit ang may akda
Ayokong kumawala sayo
Huling sayaw na natin to
Huling halik sayong noo
Huling pagdidikit ng puso

Huling halik
Ipadama ang pagibig na tunay
Huling saglit
Gawin nating habang buhay
멜론 님께서 등록해 주신 가사입니다.